Sunday, August 16, 2015

Kahalagahan ng Retorika ayon kay Saliva


Epektibo ka ba?
Isinulat ni John Christian Saliva


               Mula sa mga asignatura na aming nakadaupang-palad noong kami'y nasa kolehiyo, hindi mawawala ang pagtalakay tungkol sa epektibong pagpapahayag gamit ang aming artworks. Ang media kasi ay nangangahulugang pagpapahayag sa mga tao, na hindi maaring malimitahan sa bilang ng mga makakapakinig at sa bilang ng mga makakaintindi. Kaya dahil pwede na magkaroon ng pagkakataon na hindi mo na sila makausap isa-isa, dapat ang mga awtput namin ay maging isang epektibong paraan ng paglalahad ng mensahe. Ang multimedia arts ay kinapapalooban ng mga uri ng sinig na bubuo sa isang awtput na maaaring magamit bilang kasangkapan sa pagaaral, pampalipas oras, bilang isang gamit panganunsyo o isang propesyon na magiging paraan para kumita . Sa pagaaral ng ganitog uri ng midya, Kinakailangan na sa paggawa ng isang awtput ay maging epektibo ang pagpapadala ng mensahe na ninanais ng gumawa upang malaman ng mga artwork ang mensahe sa likod ng naturang art piece . Dito pumapasok ang kinalaman ng retorika sa propesyon na ito.

               Ito ang isa sa mga nakikita kong hamon para sa mga multimedia artists: Dahil nga siya ay tinatawag na multimedia, kinapapaloban ito ng ibat ibang uri ng media gaya ng tunog, mga litratong nagalaw (bidyo) at hindi nagalaw mga sulatin na may mga karakter na nauunawan ng mga tagapanood (text). Dapat, para magkaron ng epektibon pagpapahayag ng ideya, maging magkakakonekta ang mga ito, isa ang layunin kung bakit may ganito dito sa parteng ito n proyekto, bakit may ganyan. Dapat lahat ng bagay na nakapaloob sa proyekto ay may kanya-kanyang silbi.

                Sa paggawa rin ng mga proyekto, bilang kaming mga artists ay madalas na sumusunod sa utos o sa mga gusto ng mga kliyente, responsibilidad namin na maging maganda at epektibo ang mga bagay na gustong makuha ng mga kliyente namin. Syempre sino bang gustong makakuha ng pangit na awtput kung binayaran mo yung tao na gumawa nun, diba wala? Kasi ang retorika ay ginagamitan ng mga magaganda at kaakit akit na salita (basta't ito ay nakakatulong sa ikakaganda ng awtput). 

                Ito ang kaugnayan at kinalaman ng retorika sa aming pinagkakadalubsahaan.

Kahalagahan ng Retorika ayon kay Luna




Sining at Retorika
sa panulat ni Kinsey Joever C. Luna


          Marami at may iba't ibang klase ng sining. Ilan dito ay ang sining sa pag-awit, pagsayaw, pag-iiskulpto, pagguhit, pagpinta, pag-arte, pagsasalita, at pagtula. Mayroon ding sining sa pagiging isang Multimedia Artist. Lahat ng aspeto na ginagawa ng isang MMA ay maituturing na sining; mula sa pagkuha ng litrato (photography), paggawa ng mga disenyong grapiko (graphic design), pagpapagalaw ng mga larawan (animation) at paggawa ng mga vidyo.

            The art of winning the soul. Eto and depenisyon ni Plato sa retorika. Samantalang si Francis Bacon naman ay sinabi na ang tungkulin ng retorika ay maiaplay ang katwiran sa imahinasyon. 

             Sining at imahinasyon. Nabubuo ang isang maganda at makahulugang sining mula sa isang malawak na imahinasyon. Madalas ngang maiuugnay ang retorika sa mga sulatin, pahayag at mga salita, ngunit ang sining ay isang paraan upang ihayag ang mga damdamin at ideyang hindi mabigyang salita.

              Maituturing na malawak ang nasakupan ng isang multimedia artist, dahil lahat ng klase ng plataporma ay ating ginagamit. Kaya naman masasabi rin na malaki ang gampanin at responsibilidad natin sa ating komunidad. Dito pumapasok ang kahalagahan ng retorika sa mga multimedia artists. Maliban sa paggamit ng sining upang i-ihayag ang sarili, marapat na pagtuuunan rin ng pansin ang paggamit dito bilang paraan ng pikikipag-ugnay at komunikasyon sa iba. Ang paggawa ng mga animated na adbokasiya sa halip na mga mahahabang talumpati ay isang halimbawa na higit na mas epektibo para sa mga kabataan upang sila ay maging interisado sa pakikinig. Sinabi sa Art of Rhetorical Criticism na ang retorika ay isang istratehiya na paggamit ng komunikasyon upang makamit ang tiyak na layunin. Sa panahon ngayon hindi na lamang nalilimitahan sa mga salita at pagsulat ang pagpapahayag ng layunin dahil sa pamamagitan na rin ng media ay nagagawa nating magpahatid ng adhikain. Ilan pang halimbawa nito ay ang mga pelikula at dokumentaryo.

               Sa aking pananaw, kung hindi maaaplika ang retorika sa multimedia art ay wala itong saysay, dahil ito'y walang layunin, walang ideya at wala sa kahit anong paraan na maaaring maka-releyt ang tao.

               Kaya naman bilang tayo ay nasa henerasyon ng makabagong teknolohiya malaking tulong ang multimedia art upang higit na maging malawak at mas epektibo pa ang retorika. Ngunit ating itatak sa isip ang pagiging matalino sa paggamit nito.



             

Kahalagahan ng Retorika ayon kay Rodriguez


Bigay at Kuha
Isinulat ni Roniña Anna G. Rodriguez


          Kung may gusto kang iparating, iparating mo ng tama at epektibo at bonus kung may paraan ka na mapapakinig mo ang tao sa iyong sasabihin. Dito pumapasok ang pagiging marunong sa sining ng Multimedia.

           May mga nagsasabi na walang kwenta o walang kahahantungan ang buhay mo sa sining na ito at ang sabi-sabing ito ay nakakaasar at nakakainsulto para sa mga tao o estudyanteng nagpapatuloy nito. Isa sa malalaking gamit ng Multimedia ay ang pagpapahayag, at ang paggamit ng Multimedia sa pagpapahayag ay masasabi na ring isang paraan ng rhetorika. Paano?  Imbis na isulat mo lang sa papel ang mensahe mo, gawan mo ng pelikula, isa ito sa mga kilalang halimbawa, yung iba naman halos lagi o araw-araw nating nakikita pero maraming tao ang hindi isinasaalang-alang ang pagiging may silbi ang Multimedia. Tulad ng mga billboards, tarpaulin, poster, mga ap sa cellphone, facebook, dyaryo at marami pa, at marami rin sa kanila ay mahalaga sa ating mga buhay.

           Ano naman ang nagagawa ng rhetorika sa Multimedia? Ito ay nagbibigay ng layunin sa mga gawa, minsan parang wala lang, natripan lang gawin yung isang drawing, o may napicturan ka lang, pero minsan meron kang malalim na rason kung bakit mo iginuhit iyon at bakit ka nagkukuha ng litrato, dahil doon, nais mong ipakita sa mga tao ang gawa mo at ang rason kung bakit mo ito ginagawa.

           Ang dalwang sining na ito ay nagtutulungan, nagbibigayan sa isa't-isa ukol sa dahilan ng mamahayag. Lahat tayo mamamahayag at nasa ating sarili kung paano natin ito ipaparating.

Kahalagahan ng Retorika ayon kay Israel


Kahalagahan ng Retorika
Isinulat ni Loraine Israel


           Ano nga ba ang retorika? Ito ay isang komposisyon gamit ang mga karaniwang salita na minsa'y nagagamit natin ng mali. Pagpapaliwanag ng kaalaman, paniniwala at saloobin sa kinakausap o publikong kanyang kinakaharap gamit ang wika. Pero ano nga ba ang halaga ng Retorika sa aking kurso?


           Bilang isang Multimedia Art student na nag-aaral sa Lyceum of the Philippines-Laguna. Napakahalaga ng Retorika sa aming kurso dahil marami kami nakakausap na klayente ng iba’t iba ang gusto nila disenyo sa kanila proyekto at marami kami makakasama na iba’t iba ang kultura. Dahil gamit ang Retorika mas napapalawak natin ang kaalaman at mas maiintidihan natin ang mga saloobin o kung ano gusto  ng mga klayente  natin sa ating proyekto. Dahil rin sa Retorika marami ako matutulungan na klayente na hindi nya kaya maipalawanag ang kanya gusto gawin sa kanya proyekto dahil maaari ako magbigay ng iba’t iba disenyo na kanya pag pipilian at maari sa disenyo na iyon ay makaisip siya ng konsepto sa kanya proyekto na kanya ipapagawa sakin.