Sunday, August 16, 2015

Kahalagahan ng Retorika ayon kay Rodriguez


Bigay at Kuha
Isinulat ni Roniña Anna G. Rodriguez


          Kung may gusto kang iparating, iparating mo ng tama at epektibo at bonus kung may paraan ka na mapapakinig mo ang tao sa iyong sasabihin. Dito pumapasok ang pagiging marunong sa sining ng Multimedia.

           May mga nagsasabi na walang kwenta o walang kahahantungan ang buhay mo sa sining na ito at ang sabi-sabing ito ay nakakaasar at nakakainsulto para sa mga tao o estudyanteng nagpapatuloy nito. Isa sa malalaking gamit ng Multimedia ay ang pagpapahayag, at ang paggamit ng Multimedia sa pagpapahayag ay masasabi na ring isang paraan ng rhetorika. Paano?  Imbis na isulat mo lang sa papel ang mensahe mo, gawan mo ng pelikula, isa ito sa mga kilalang halimbawa, yung iba naman halos lagi o araw-araw nating nakikita pero maraming tao ang hindi isinasaalang-alang ang pagiging may silbi ang Multimedia. Tulad ng mga billboards, tarpaulin, poster, mga ap sa cellphone, facebook, dyaryo at marami pa, at marami rin sa kanila ay mahalaga sa ating mga buhay.

           Ano naman ang nagagawa ng rhetorika sa Multimedia? Ito ay nagbibigay ng layunin sa mga gawa, minsan parang wala lang, natripan lang gawin yung isang drawing, o may napicturan ka lang, pero minsan meron kang malalim na rason kung bakit mo iginuhit iyon at bakit ka nagkukuha ng litrato, dahil doon, nais mong ipakita sa mga tao ang gawa mo at ang rason kung bakit mo ito ginagawa.

           Ang dalwang sining na ito ay nagtutulungan, nagbibigayan sa isa't-isa ukol sa dahilan ng mamahayag. Lahat tayo mamamahayag at nasa ating sarili kung paano natin ito ipaparating.

No comments:

Post a Comment