Sining at Retorika
sa panulat ni Kinsey Joever C. Luna
The art of winning the soul. Eto and depenisyon ni Plato sa retorika. Samantalang si Francis Bacon naman ay sinabi na ang tungkulin ng retorika ay maiaplay ang katwiran sa imahinasyon.
Sining at imahinasyon. Nabubuo ang isang maganda at makahulugang sining mula sa isang malawak na imahinasyon. Madalas ngang maiuugnay ang retorika sa mga sulatin, pahayag at mga salita, ngunit ang sining ay isang paraan upang ihayag ang mga damdamin at ideyang hindi mabigyang salita.
Maituturing na malawak ang nasakupan ng isang multimedia artist, dahil lahat ng klase ng plataporma ay ating ginagamit. Kaya naman masasabi rin na malaki ang gampanin at responsibilidad natin sa ating komunidad. Dito pumapasok ang kahalagahan ng retorika sa mga multimedia artists. Maliban sa paggamit ng sining upang i-ihayag ang sarili, marapat na pagtuuunan rin ng pansin ang paggamit dito bilang paraan ng pikikipag-ugnay at komunikasyon sa iba. Ang paggawa ng mga animated na adbokasiya sa halip na mga mahahabang talumpati ay isang halimbawa na higit na mas epektibo para sa mga kabataan upang sila ay maging interisado sa pakikinig. Sinabi sa Art of Rhetorical Criticism na ang retorika ay isang istratehiya na paggamit ng komunikasyon upang makamit ang tiyak na layunin. Sa panahon ngayon hindi na lamang nalilimitahan sa mga salita at pagsulat ang pagpapahayag ng layunin dahil sa pamamagitan na rin ng media ay nagagawa nating magpahatid ng adhikain. Ilan pang halimbawa nito ay ang mga pelikula at dokumentaryo.
Sa aking pananaw, kung hindi maaaplika ang retorika sa multimedia art ay wala itong saysay, dahil ito'y walang layunin, walang ideya at wala sa kahit anong paraan na maaaring maka-releyt ang tao.
Kaya naman bilang tayo ay nasa henerasyon ng makabagong teknolohiya malaking tulong ang multimedia art upang higit na maging malawak at mas epektibo pa ang retorika. Ngunit ating itatak sa isip ang pagiging matalino sa paggamit nito.
No comments:
Post a Comment